Abante Tonite Interactive

Baron lumuhod kay Paolo

0 1,494

Ang sarap ng tsikahan ng magkaibigang Paolo Contis at Baron Geisler sa pilot episode ng bagong online show .

Si Baron ang first guest ni Paolo at halatang na-miss nila ang isa’t isa na as we all know ay dating magkasama sa ABS-CBN at matagal na nagkatrabaho during their younger years sa Tabing Ilog.

Panay ang kulitan nila at tawanan nila na larawan talaga ng isang magkaibigang matagal na hindi nagkita at nagkukumustahan.

Siyempre, hindi maiwasang mag-reminisce ng dalawang aktor sa mga nakaraan nila at naibunyag nga nila na nagkaroon pala sila ng matinding away dati.

“May ginawa akong sobrang hanggang sa ngayon, hindi ako natutuwa sa ginawa ko sa ‘yo,” sabi ni Baron.

Inalala niya na tatlong linggo raw silang hindi pinagsama sa eksena dahil susuntukin daw siya ni Paolo.

Si Paolo naman ay tawa nang tawa habang nagkukuwento ang kaibigan.

Hindi na sinabi ng dalawa ang dahilan kung bakit sila nag-away, basta sa kuwento ni Baron, nang tatlong linggo na siyang hindi nagte-taping, nag-worry siya na baka mawalan na siya ng trabaho.

So, pinuntahan ang aktor.

“Hindi na ako nagsabi na pupunta ako ‘don. Pagdating ko doon, nakita ko siya, lumuhod ako kaagad,” kwento ni Baron habang tawa nang tawa pa rin si Paolo.

“Hindi acting ‘yun, bro. Umiiyak ako no’n, medyo humahagulgol ako no’n. And then, nakaluhod ako, tapos sabi ko, “patawarin mo na ‘ko.” Tapos biglang kinuha mo na lang ako, tapos niyakap mo ko. Tapos, after no’n, naging best friends na tayo. Tayo na ang magkasama no’n parati,” sabi ni Baron.

Ayon naman kay Paolo, sobrang close raw talaga ni Baron sa puso niya dahil sa rami ng kanilang pinagdaanan.

“Regardless kung hindi kami mag-usap nang matagal, pero pag nag-usap kami, parang kahapon lang kami nag-usap. He has a very special place in my heart, kasi mahal ko ‘yang kapatid ko na ‘yan. Siguro, dahil na rin ‘yun sa dami ng pinagdaanan natin,” sey ni Paolo.

Lea nanggagantsilyo sa quarantine

Pinalilipas naman ni Lea Salonga ang quarantine sa pamamagitan ng pagpa-paricipate sa mga virtual fund-raising concerts, paggagantsilyo at panonood ng mga online streaming shows.

“I’ve been crocheting, I’ve been knitting. My daughter, she draws. She’s just been busy with that and hanging out with her friends playing video games. All of us here in the house, we’re all finding things to do,” sey ni Lea sa Facebook Live Broadcast ng Monster RX 931.

“And of course, I get immersed in watching a streaming service, a random show, but I tend to gravitate towards cartoons. I’ve been watching a lot of cartoons,” sey niya.

Aminado si Lea na napakahirap ng panahong ito hindi lang para sa kanilang mga artists kungdi sa lahat ng tao.

“We have to all be patient still. Many places in the country are moving towards modified ECQ and hopefully we get to general community quarantine. This is still not a time to be complacent and we all still have to be very careful and very vigilant when we go out there. Not to rush to anything just to keep ourselves and the people where you’re quarantining with safe.

“I personally will probably keep myself in very strict quarantine until I feel it’s safe to go back out there.

“But I know that there are a lot of people that have to, for reasons of economics, for reasons that they are essential workers in this crisis. To all of you, please continue to be careful. We can’t afford to lose any of you,” sabi ni Lea.

Nagbigay rin ng mensahe ang singer sa kanyang mga fan na tila matagal pa raw bago niya makitang muli.

“To my fans that are listening to this, this is going to be a difficult time and I know that it will be a very long time before I see any of you in person because of the nature of my work which is live entertainment, but you know, we just all have to make kapit, virtual kapit with one another, and we’re all gonna weather this.

“In the meantime, we find ways to be creative and resourceful and helpful even to our little corners of the world,” mensahe niya.

Tonite – Wendys Inhouse Ad