Abante Tonite Interactive

Baron, Macandili ‘di kinaya ng Foton

0 178

Mga laro Huwebes/Oktubre 10:
(Malolos Sports Convention Center)
2:00pm – Cignal vs PLDT
4:00pm – Foton vs Sta. Lucia
6:00pm – Petron vs Marinera

Nagsanib-puwersa sina Majoy Baron at Dawn Macandili upang tulungan ang F2 Logistics Cargo Movers na walisin sa tatlong set ang Foton Tornadoes, 25-23, 25-19, 25-23, sa second game ng Philippine Superliga Invitational Conference sa Bacoor STRIKE gym sa Bacoor City.

Kumayod si former UAAP Most Valuable Player (MVP) Baron ng siyam na spikes at tig-isang block at service ace habang nirehistro ni Macandili ang 20 excellent digs para sa Cargo Movers.

Inamin nina Baron at Macandili na malaking bagay ang paglaro nila nakaraan sa international tournament kaya naman madali nilang tinaob ang Tornadoes.

“Yung intensity sa international sobrang taas talaga, marami akong natutunan doon at na a-apply ko naman dito sa PSL,” saad ni Baron.

Matapos matalo sa opening day kontra Petron Blaze Spikers, humataw sila ng tatlong sunod na panalo ang Cargo Movers upang manatiling malakas ang tsansa nila sa asam na korona.

Bukod kina Baron at Macandili, malaking tulong din ang inambag nina Desiree Cheng, Ara Galang at Aby Maraño sa panalo ng F2 Logistics. (Elech Dawa)