Abante Tonite Interactive

Baron nag-aaral ng Theology

334

Tunay nga ang pagbabalik loob ng aktor na si Baron Geisler. Kung kamakailan ay nabalita ang pagpapakasal niya sa kanyang girlfriend, ngayon naman ay kumukuha siya ng kursong Theology.

Nais niyang mas mapalalim pa ang kaalaman sa pananampalataya kaya naman pormal siyang kumuha ng kursong may kinalaman dito.

Nitong Sabado, Setyembre 14 ay nag-post siya sa kanyang Instagram Story. “Yes! I’m enrolled in a modular course in AB Theology.

Ibinahagi niya ang kanyang mga subject kagaya ng Christian Apologetics, Christianity in conflict at practice of expository preaching. Nitong Linggo, Setyembre 15 ay muli siyang nag-post sa kanyang Instagram at ibinaging nag-aaral siya sa ilalim nina Doc Eph at Pastor James.

Nagbagong-buhay ang aktor matapos makalabas sa rehabilitation center nitong nakaraang taon. Naging advocate siya sa mental health at gospel. Madalas din naiimbitahan na maging speaker sa mga seminars. Bukod sa kanyang pag-aaral ay patuloy pa rin ang kanyang pag-arte sa teleserye na “FPJ’s Ang Probinsyano. (Ronaline Avecilla)