Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Baron nandiri kay Marcos

0 75

NI: ARCHIE LIAO

Binatikos ni Baron Geisler ang kampo ng diumano’y pilantropo na si Francis Leo Marcos.

Aniya, nandididiri raw siya sa pralala nitong pagtulong sa mga tao sa panahong ito ng krisis dahil sa COVID-19.

Dagdag pa niya, kung gusto raw nitong tumulong, gawin na lang daw nito sa matahimik na paraan na hindi na kailangang i-broadcast pa.

Siya rin daw ay nagbibigay ayuda sa mga taong nangangailangan pero never daw niya itong ipinangalandakan.

Itinuturing din niyang umano’y pakitang-tao lang ang mayaman challenge nito.

Tinatanong din niya kung may motibo ba ang pagtulong na ito ? Posible bang gamitin ito sa susunod na eleksyon?

May nagtatanggol din kay Marcos na hayaan na siya sa diskarte niya. Ang importante ay maraming natutulungan ito sa gitna ng krisis. Kahit nga si Senator Bong Revilla ay sumaludo sa magandang ginagawa ni Leo sa mga kababayan natin.

Leave A Reply

Your email address will not be published.