Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Baron, Nierva bilad wankata

0 95

Magkakasama ang 24 na player bilang miyembro ng Philippine National Volleyball Federation training pool sa University of Assumption-San Fernando, Pampanga bubble camp sapul noong Sept. 1.

Kabilang doon sina Mary Joy ‘Majoy’ Baron, Jenifer Nierva, Dawn Macandili, Mylene Paat, Bernadett Pepito, at Ernestine ‘Tin’ Tiamzon kaya tuluy-tuloy pa rin ang kanilang bonding pahingan man ang mga liga.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa Instagram story Lunes, ipinasilip ni Baron ng F2 Logistics ang pagtatampisaw nila ng tropa sa swimming pool kung saan lutang ang kanilang angking kaseksihan sa suot na mga swimsuit.

Tatlong linggo ang training camp bago lilipad sila sa Setyembre 27 para sa 11th AVC Asian Women’s Club Volleyball Championship 2021 sa Nakhon Ratchasima, Thailand sa Oct. 1-7. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.