Abante Tonite Interactive

Baron ‘petmalu’ sa kulungan

By
Baron Geisler
9

ANG ‘petmalu’ na pinagbaligtad na salita ng ‘malupet’ ang kadalasang nabasa namin sa mga comments sa Facebook post ni Baron Geisler. Ang petmalu ang isa sa nauusong salita ngayon na parang jeprox ang dating. So, balik jeprox sa panahon ng millennial?

Bills paid!! Pogi shot e tagal na akong walang selfie 😘 🤘🏽😆

A post shared by Baron Geisler (@barongeisler) on

Malupet nga raw si Baron dahil pinagtatakhan ng netizens kung paano nakakagamit ito ng cellphone kahit na naka-detained. Hindi rin malinaw sa amin kung nakalaya na ba ito at late post na lang niya ang mga pino-post.

Maliit lang naman ang hinihinging piyansa para temporary itong makalaya. Nagpunta ang kapatid niya na si Donny Geisler sa Kamuning Police Station na humingi ng paumanhin sa naperwisyo at nasaktan ni Baron.

‘Yun nga lang, ang daming nagre-react kung paano raw nakakagamit ng cellphone ang actor sa loob ng ulungan. Special treatment daw ba ito?

Ipinost kasi ni Baron ang isa sa inmate niya na nagpa-tattoo sa loob ng kulungan ng pangalan niya.