Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Baron pitong beses nagpa-rehab

0 52

NI: ARCHIE LIAO

Naging panauhin ng mag-asawang Julius Babao at Tintin Bersola ang award-winning actor na si Baron Geisler sa kanilang programa sa One PH.

Napag-usapan ang tungkol sa kursong kinuha ng actor na ngayon ay graduate na ng Theology.

Ani Baron, 2019 pa raw nang mag-enrol siya ng nasabing kurso.

Ito raw ang kinuhang kurso niya dahil gusto raw niyang matagpuan ang kanyang sarili at mas maintindihan ang plano sa kanya ng Diyos.

Pinag-aralan daw nila ang iba’t-ibang teorya tungkol sa mga paniniwala at nakatulong daw ito para maging bukas ang kanyang kaisipan sa maraming bagay.

Hindi rin niya ikinaila na gusto niyang maging pastor kung ito raw ay loloobin ng Diyos.

Sa naturang panayam, binalikan din niya ang kanyang masalimuot na buhay noon.

Sa edad na 12, natuto na raw siyang maging tomador.

SM food to go Banner Ad

Nasangkot daw siya sa iba’t-ibang gulo noon dahil sa adiksyon niya sa alcohol.

Katunayan, pitong beses daw siyang nagpa-rehab dahil sa pagkalulong sa alak.

Hindi naman niya ikinaila na nag-relapse siya sa kanyang bisyo.

Nangyari raw ito nang magkaroon sila ng hindi pagkakaunawaaan ng misis na si Jamie .Hindi raw niya ito naharap nang mabuti.

Sa ngayon daw ay pareho silang sumasailalim sa programa ng counselling at self-help para ayusin ang kanilang buhay.

Aminado kasi siyang malaki ang epekto ng pagiging alcoholic niya sa mental at psychological being ng kanyang kabiyak.

Hopefully daw, after their programs, they will become better persons.

Ayaw raw naman niyang mangako na magbabago na siya dahil sa ngayon daw ay mas pinahahalagahan niya na sa loob ng ilang buwan ay alcohol-free na siya.

Isa raw sa commitment niya sa taong kumukupkop sa kanya sa rehab program nito ngayon ay ang konsepto ng “pay it forward”. Handa rin niyang akayin ang sinumang naliligaw ng landas dahil sa bisyong kinalugmukan.

Si Baron ay muling mapapanood sa pelikulang “Pusoy” .Ginagampanan niya ang papel ng Isang makapangyarihang gangster na streaming na sa Vivamax simula sa Mayo 27.

Leave A Reply

Your email address will not be published.