Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Baron solo sa ensayo

0 161

Single!

Kahit solo sa pagpapakondisyon si women’s indoor volleyball star Mary Joy ‘Majoy’ Baron, ayos lang sa kanya.

“No setter no problem,” sey Martes ng F2 Logistic stalwart sa pinost na video sa kanyang social media account.

Sa Instagram story, nagpapraktis siyang pumalo ng bola sa sinet-up na volleyball court sa kanyang hardin na malamang sa kanilang tahanan.

Pero solo-flight man sa backyard training ay nairaraos pa rin ng 25-anyos, 5-11 1/2 ang taas na middle hitter/middle blocker na tubong Concepcion, Tarlac ang gusto niyang pagpapakondisyon.

Hindi na siya mahihirapang mag-adjust kapag bumalik na ang Cargo Movers sa team practice sa kabila na may COVID-19.

Inaasahang babalik aksyon ang dalaga sa Premier Volleyball League (PVL) Open Conference sa May30 makaraang lumundag ang koponan niya rito mula sa Philippine Super Liga. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.