Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Barrett kuminang vs GSW

0 90

Naubos ang angas ng Golden State Warriors laban sa New York Knicks Huwebes ng gabi sa Chase Center.

Umiskor ng 12 pataas ang starters ng New York at kinubabawan ng Knicks ang hosts 119-104.

Namuno sa mga dayo ang 28 points ni RJ Barrett, may 18 points at 8 rebounds si Mitchell Robinson. Kumalawit ng 17 rebounds si Julius Randle, sinahugan niya ng 16 points at kinapos ng isang assist para makumpleto ang triple-double sa Knicks.

Hindi naisalba ng 30 points ni Stephen Curry at 17 points, 9 rebounds ni Andrew Wiggins ang Golden State. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.