Abante Tonite Interactive

Barretto family drama mas worse sa Kardashians – Dani

651

Nakakakaaliw ang sagot ni Dani Barretto sa isyung ikinukumpara ng mga tao ang Barretto family sa Kardashians family ng US reality TV show na “Keeping Up With the Kardashians.”

Sa interview ng push.com, inamin ng panganay na anak ni Marjorie Barretto na they are worse than the Kardashians. Aniya pa, mas dramatic daw ang pamilya nila kaysa sa nasabing American family.

“Oh my Lord I think we’re worse than the Kardashians to be honest. We’re more dramatic than they are. But then I don’t really know if that’s a compliment but at the end of the day, these are real-life issues to be honest,” ang pahayag ni Dani sa naturang panayam.

Sa ngayon daw ay trying to move forward na sila matapos ang pagkamatay ng Barretto patriarch (her grandfatner) na si Miguel Barretto.

“At the moment, we’re all just trying to move forward and get past it because it has been really such a difficult month. It’s been a really tough month for us and we’re still grieving the loss of our grandfather. It’s actually his one month death anniversary today so talagang lahat pa rin kami still grieving. But we’re moving forward because I’m sure that’s what he wants us to do,” pahayag pa ng ate ni Julia Barretto.

Vhong-Billy muntik magsuntukan

Muntik na palang magsuntukan sina Vhong Navarro at Billy Crawford nang minsang magkaroon sila ng tampuhan. Kuwento ng dalawa sa “Magandang Buhay” guesting nila, nagalit daw ang una nang biglang mag-back-out ang huli sa isang out of the country trip nila.

“Kasalanan ko ‘yun,” sabi ni Billy, “nu’ng time na ‘yun, nag-oo na kasi ako, and last minute kong nasabi sa kanya na hindi ako makakaalis. And walang hesitation, as in nag-shut down talaga si Vhong. As in, hindi ako kinausap. As in! Kahit na nasa ‘Showtime’ kami.”

Kuwento naman ni Vhong, every time raw na umaalis kasi sila ay si Billy ang ka-roommate niya. Pagbibiro niya, siyempre, ‘pag wala ang kaibigan, iso-shoulder niya ang gastos sa kuwarto na mag-isa.

Pero seriously, siyempre, nalungkot daw siya nang time na ‘yun na hindi makakasama si Billy.

Kuwento pa ni Billy, may time pa raw na kinailangang maupo sa pagitan nila ang mga co-hosts para hindi sila magkainitan.

“May mga instances na si Anne (Curtis) at saka si Karylle, umupo sa gitna namin, sa pagitan, dahil hindi talaga kami pwedeng magtabi dahil either magsusuntukan kami or mag-aaway na kami. Awkward na talaga, eh,” lahad ni Billy.

Pero days lang naman daw tumagal ang kanilang tampuhan at sey ni Vhong, “tampong kapatid lang naman ‘yun.”