Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Barretto sisters bubulabog sa politika

0 118

Gumawa ng ingay ang Barretto sisters noong 2019 sa daigdig ng showbiz dahil sa kanilang naging bangayan, Ngayon naman ay tiyak na pag-uusapan sila dahil sa umano’y pagpasok sa politika.

Si Claudine kasi ay napabalita nang kakandidato sa Olongapo, although may ilang kritikong kinuwestiyon ang kanyang kuwalipikasyon at residency.

May unconfirmed reports namang nakumbinsi na rin ang kapatid nitong si Gretchen Barretto na kumandidato bilang congresswoman pero hindi alam kung saang distrito.

Kung totoo ito, iiwan na raw kaya ng dating aktres ang kanyang pagiging reyna ng online sabong?

Sa kaso naman ni Marjorie, may isang birdie na nag-tweet na inaawitan daw ito na muling subukan ang politika sa Caloocan.

Si Marjorie ay dati nang nahalal na konsehala ng nasabing siyudad.

Para sa kibitzers naman, kung sakaling magma-materialize raw ito, siguradong ang saya-saya dahil magiging makulay at kontrobersyal ang 2022 national election.

KC sabik pabebe

Sa kanyang Instagram, pinasilip ni KC Concepcion ang kanyang simpleng pamumuhay sa Los Angeles .

Medyo matagal kasing mamamalagi ang aktres sa abroad para sa kanyang pag-aaral.

Desidido kasi siyang tapusin ang kanyang gemology course na makakatulong sa kanyang jewelry business.

Habang nasa LA, ipinakita rin niya ang apartment hunting niya sa isang district.

Pati ang pamimili ng furniture para sa kanyang napiling apartment ay personal niyang pinamahalaan.

Lately naman, sa kabila ng pamumuhay ng independent, nag-emote si KC sa kanyang IG na nami-miss niya ang pampered lifestyle niya kung saan binebeybi siya.

“Independent woman… but sometimes you just want to be babied,” caption niya.

Halata ring nami-miss niya ang Pinas dahil sa magagandang ‘memories’ na naiwan niya sa bansa.

“Is it bad to want thisss,” dugtong niya.

Sa kanyang emote, maraming netizen naman ang nag-react.

Ang iba ay nagwi-wish na sanaý mahanap na nito ang true love at ang lalakeng mag-aalaga sa kanya.

Ito ang ilan sa kanilang mga komento.

“This is what I like about you. So cool & full of positivity.”

“Don’t give up! Someone still want you to be his babes somewhere out there in a perfect time..enjoy your life.”

“Maghanap ka na lang ng lalakeng magbi-baby sa iyo.”

“Pa-baby ka na lang kay Papa P. Baka ikaw lang ang hinihintay niya.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.