Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Barretto sisters tigil giyera sa Kapaskuhan

0 369

RODEL FERNANDO:Masaya ang Barretto sisters na sina Claudine at Gretchen dahil nagkita silang muli. Dahil sa pandemya, nawala ang bonding nilang dalawa at na-miss nila ang isa’t-isa. Pero ang tanong ngayong malapit na ang Kapaskuhan ay makipagbati na kaya sila sa kanilang kapatid na si Marjorie?.

Ito ang inaasam ng marami nang magbuklod silang muling magkakapatid. Ang makita silang masaya at sama-sama na tulad ng dati.

Maging sa pamangkin nilang si Julia ay marami ang umaasam na maging okey na sila. Pero para sa amin bilang nakakabata ay dapat magmula kay Julia ang initiative. At saka sa kultura ng Pinoy ay mas maganda na ang bata ang nagpapakumbaba kaysa matanda.

Sana at hangad natin ang pagbabati ng pamilyang ito at matuldukan na sigalot na namamagitan sa kanila. Sigurado namang darating iyun. Baka nga isang araw ay magulat na lang tayo ay okey na sila.

ROMMEL PLACENTE:Sino nga ba ang mag-aakala na ang dating mortal na magkaaway na sina Gretchen at Claudine ay magkakabati rin pala? Panay ang patutsadahan dati ng dalawa na nakakatuwang malaman na nagkaayos din pala sila sa huli. Nagkatotoo muli ang kasabihang Blood is Thicker than water,”
Sa pagbabati nina Gretchen at Claudine, marami naman ang nagwi- wish na makabati nila ang isa pa nilang kapatid na si Marjorie.
Tama ka ka-Cuatros na Rodel dapat ay si Julia na ang unang lumapit kina Gretchen at Claudine.Siya na ang unang magpakumbaba .
Hintayin na lang natin na magkakabti- bati rin sila .Siguro in God’s perfect time ay mangyayari ‘yun.

MILDRED BACUD: Tulad niyo hangad naman natin ang pagkakabati ng magkakapatid na Barretto pero teka ilang Pasko na nga ba ang nagdaan?Hindi naman nila sinaalang- alang ang okasyong ito.Kahit naman nu’ng nabubuhay pa ang matandang Barretto hindi nagawang magkasundo ng lahat ng anak niya.

Malabo pa na makabati ni Marjorie sina Claudine at Gretchen. Malalim ang naging ugat ng pag-aaway.Hindi ba’t kailan lang ay naoperahan ang kamay ni Claudine at ang sinasabing pinagmulan ng aksidente ay ang pagkakasakitan nila ng kanyang ate Marjorie, ?
Syempre kanino ba kakampi ang kanilang pamangkin na si Julia?Kung isipin ang lahat ng isyung pinagdaanan ng pamilya nila, parang ang hirap paniwalaan na sila sila ay naglabas ng mga baho nila. Sana nga lang dumating ang pagkakataon na magamot ng panahon ang sugat na nilikha nila sa isa’t isa.

ROLDAN CASTRO: Todo ang kasiyahan ni Claudine na pati ang kapatid niyang si Michelle ‘Michie’ ay naka-bonding niya. Malaki ang pasasalamat ng aktres kay Michie sa pag-aalaga sa kanya nu’ng bata pa siya.

Pero mas maganda talaga kung buo silang magkakapatid na makitang magkakasama.’Yung nagmamahalan, nagkakaisa at nagkapatawaran. Kailan darating yun? Tanging Diyos lang ang nakakaalam.

Anyway, virtual na nakatsikahan si Claudine sa presscon ng Mamasapano ,kahapon. Buong ningning niyang sinabi na walang iwanan sa relasyon nila ni Gretchen. Kahit magkaiba minsan ang mga pananaw nila at mundong ginagalawan, hindi na raw sila mabubuwag. Kung may problema raw ay dapat nilang pag-usapan at ‘wag mawalan ng komunikasyon. Kumbaga, forever friendship na sila.
Talbog!

Leave A Reply

Your email address will not be published.