Abante Tonite Interactive

Barretto war lumamig na

717

Mukhang ceasefire na ang giyera sa Barretto Family.

Kung may maganda mang pangyayari sa pagkawala ng Barretto patriarch na si Miguel, ito ay ang muling pagkakabati ng mag-inang Inday at Gretchen.

Hindi rin naapektuhan ang closeness ng magkakapatid na JJ, Gretchen at Claudine. Mukhang hindi apektado si JJ sa gulo ng mga nakababatang kapatid na nakisali ang kanyang panganay na si Nicole.

Ngayong tahimik na muli ang kampo ng mga Barretto, nakasentro naman ang attention ng publiko at ng mga netizen sa ibang maiinit na issues.

Robin inindiyan ang kasal ni Ali

Hindi nakadalo si Robin Padilla sa kasal ng kaisa-isa niyang anak na lalaki na si Ali Padilla. Pati na rin ang dalawa nitong anak sa dating asawang si Liezl Sicangco na sina Queenie at Kylie Padilla.

Si Ali (18) ay ikinasal sa isang Australian na nagngangalang Hannah.

Isang beach wedding ang nangyaring kasal sa pagitan nina Ali at Hannah. Ginanap ito sa Broadbeach sa Queensland nu’ng Linggo.

Hindi man nakarating sina Robin, Queenie at Kylie sa kasal ay nagpaabot na lamang ng kanilang pagbati at mensahe ang tatlo.

Hindi naman malinaw kung bakit hindi nakadalo ang mag-aama sa kasal mismo ni Ali.

Toni ayaw makasama si Direk Paul

Nagbabalik si Paul Soriano sa pagdidirek at pagpo-produce ng pelikula sa ilalim ng Ten17. Ito’y sa pamamagitan ng “Mañanita” na tinatampukan ni Bela Padilla. Ang naturang movie ay mula sa panulat ng mahusay na writer-director na si Lav Diaz. Nakatakdang ipalabas ito sa mga sinehan sa darating na December 4.

Kung ginusto ni Paul ay puwede sana nitong sundan ang yapak ng kanyang late grandfather Nestor de Villa. Pero sa padidirek at pagpu-produce siya napunta. Minana naman niya ito sa kanyang amang si Jeric Soriano.

Samantala, bukas si Direk Paul sa posibilidad na magsama sila ng kanyang misis na si Toni Gonzaga sa isang pelikula pero tiyak daw na hindi papayag ang singer-actress.