Abante Tonite Interactive

Barretto war matindi ang aftershock

194

May ‘aftershock’ pa rin hanggang ngayon ang Barretto sisters scandal.

Ito’y magmula nang i-upload ang isang video na sinasabi umano ni Marjorie na sasapakin niya raw si ‘Inday’.

Muli itong naging viral lalo’t nakarating sa kaalaman ng kanilang ina na si Gng. Estrella ‘Inday’ Barretto.

Nasaktan umano ito sa sinabi ng kanyang pang-anim na anak.

Ang buong akala ng marami ay humupa na ang ‘giyera’ sa pagitan ng Barretto family pero may mga kabuntot pa ring intriga sa kanilang pagitan.

Sabi nga ng iba, sana’y magkasundo-sundo na ang magkakapatid. Gumawa na lamang ng mga makabuluhang bagay tulad ng ginagawa ni Angel Locsin na boluntaryong tumutulong sa mga biktima ng lindol sa Mindanao.

Mapupuri lamang siguro ang Barretto sisters kung sila’y magkakapatawaran at magpapakita ng pagmamahal bilang isang pamilya.

Since malapit na ang Pasko, sana raw ay magkaroon na ng ceasefire among the Barretto family.

2 anak nina Lian-Paolo minahal ng stepfather

It was in November nu’ng isang taon nang mag-vent out sa social media ang ex-wife ni Paolo Contis na si Lian Paz. Siya’y dating EB Babes dancer-actress. Dalawa ang kanilang anak. Ito’y sina Xonia at Xalene.

Taong 2012 nang magkahiwalay sila. Magmula noon ay iginapang niya ang dalawa nilang anak.

Pero nang dumating sa buhay ni Lian ang kanyang partner na si John Cabahug ay hindi lamang umano siya ang minahal nito kundi ang dalawa niyang anak.

Sa Cebu na naka-base ngayon si Lian kasama ang mga anak. Meron na rin silang anak ni John. Ito’y ang three years old na si Nina Angela na isinilang nu’ng January 10, 2016.

Sobra ang pasasamat ni Lian kay John dahil ito umano ang umaako sa responsibilidad sa dalawa niyang anak.

Pati na rin ang pag-aaral ng mga bata. Thankful din si Lian na parehong consistent honor students sina Xonia at Xalene.

Sa kabilang banda, may anak na rin si Paolo sa bago niyang partner ngayon na si LJ Reyes.

Kung ang naunang dalawang anak ni Paolo ay parehong close ngayon sa kanilang stepdad na si John, mas close naman ngayon kay Paolo ang panganay ni LJ na si Aki. Si Paolo ang tumatayong father figure ni Aki.

Vanjoss pinapahinto ang inang OFW sa Hong Kong

Muling naulit sa ikalawang pagkakataon ang Team Sarah (Geronimo) nang tanghaling bagong grand champion ng “The Voice Kids” sa ika-apat na edisyon si Vanjoss Bayaban ng Pangasinan. Mula nu’ng gabing ‘yon ay mababago na ang takbo ng buhay ni Vanjoss at ng kanyang pamilya.

Ang kanyang ina ay isang OFW sa Hong Kong. Gusto kasi ni Vanjoss na huminto na ang kanyang ina sa kanyang trabaho para magkasama-sama silang mag-anak. Vanjoss is now richer by P2M, isang brand new house and lot at isang recording contract with MCA Music Philippines. (Aster Amoyo)