Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Barrios, Antonio papasadahan ang SBP

0 208

Sentro ng talakayan sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum webcast ngayong Martes ng alas-10:00 nang umaga ang mga plano ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) sa panahon ng pandemiya.

Mga hinahatid ng San Miguel Corp., Go For Gold, Amelie Hotel, Braska Restaurant, Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) at Smart, sina SBP Executive Director Renauld Barrios at Operations Director Butch Antonio ang mga magsasalita rito na may live coverage sa PSA Facebook page fb.com/PhilippineSportswritersAssociation at sa Radyo Pilipinas 2 FB page rin.

Hangad ng Gilas Pilipinas 3×3 men’s team na mag-qualify sa 32nd Summer Olympic Games 2021 sa Tokyo, Japan. (Janiel Abby Toralba )

Leave A Reply

Your email address will not be published.