Abante Tonite Interactive

Barrios, SBP wawalisin ang 4 SEA Games gold medal

By
211

Tungkulin ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na walisin ang apat na gold medal sa basketball sa dara­ting na 30th Southeast Asian Games 2019 sa bansa sa Nov. 30-Dec. 11.

Binanda ito sa unang Phi­lippine Sportswriters Association (PSA) Forum 2019, Martes ng umaga sa Tapa King Restaurant, Farmers Plaza Cubao, Quezon City ni SBP Executive Director Renauld Barrios.

Magbubuhat sa five-on-five at 3-on-3 competitions sa men’s at women’s division ang mga ginto.

Kung maski nakapikit kaya ng Pinoy quintet na mamayagpag, kabalintunaan sa mga eba kaya malaking hamon ito para kat multi-titled coach Patrick Henry Aquino.

“That’s why nai-stress na si coach Pat kasi alam ninyo naman mas mabigat yung challenge sa kanya. ‘Yung sa men’s sabi nga nila kapag nanalo ng less than 50, galit pa tayo sa coach,” kwento ni Barrios.

Dagdag pa niya “Kasi mas­yadong mataas na ‘yung standard natin sa Southeast Asia. But sa women’s hindi pa tayo nago-gold. We missed it a few years back, Now that were playing here, coach Pat is really preparing (the team).”

Hinahangad din aniya ni Philippine Olympic Committee (POC) President Victorico Vargas na maging all-PBA player ang isabak sa SEA Games.

“Ngayon pinag-uusapan ng PBA at SBP is to provide the best. ‘Pag nag-host ka there is nothing as overkill. Gusto natin to win, and not just win but win big, pero lahat yun pinag-aaralan, don’t quote me as if it is cast in stone,” dagdag niya.

Ibinahagi rin ni Barrios na marami pang basketball events ang kanilang binabalak isama sa SEA Games calendar bukod sa 5×5 at 3×3, “We did. Ang daming pinag-usapan na basketball events. But at the end of the day, the SEA Ganes Fe­deration Council just settled for the four events,” wakas ni Barrios.