Abante Tonite Interactive

Barrios s­uportado ang 2 ginulping cage referee

356

Binak-apan ng Samahang Basketbol ng Pilipinas ang dalawang referee na ginulpi ng isang player at supporter sa isang liga sa Olongapo City noong May 18.

Sa statement ng SBP Martes mula kay executive director S­onny Barrio­s, napag-alamang pumunta na ng Olongapo si SBP Regional Director for Region 3 Gil Cortez para magbigay ng ayuda sa dalawang ‘di kinilalang referees.

Makikipag-ugnayan din siya sa local authorities para maisulong ang kaso.

“The SBP condemns such act of violence which definitely has no place in basketball and in sports, especially against game officials,” bahagi ng pahayag ng SBP. “The referees are the unsung heroes of any sport, for without them, no game can be technically conducted and concluded.”

Isa sa game officials ang ginulpi, samantalang isa pa ang hinihinalang hinabol at sinaksak.

Sa Facebook page ng Manila Bulletin, makikita ang video ng hinahabol na referee, pasuray-suray habang tumatakbo hanggang bumagsak sa labas ng court. (VE)