Abante Tonite Interactive

Barroca aminadong tulog sa pansitan ang Magnolia

0 442

tiktilaok

Naunahan ang Magnolia Pambansang Manok sa Game 6 ng PBA Phili­ppine Cup Finals, naiwan na 25-12 pagkatapos ng first period, nalamangan 39-18 sa kalagitnaan ng second quarter hanggang isuko ang 98-86 win sa San Miguel Beer.

Resulta ay naitabla ng Beermen ang series sa tigatlong laro.

“’Yun ‘yung storya, ‘yung first half,” litany ni Hotshots guard Mark Barroca tapos ng laro sa Smart Araneta Coliseum. “Kasi ‘yung first half ‘yung crucial dito.”

Naglunsad ng rally ang Magnolia sa third, mula 50-36 pagkakaiwan sa break ay dumikit pa sa 68-62 papasok ng fourth, pero hindi na nakasagot nang muling kumalas ang Beer sa final 12 minutes.

Sa Game 5 ay nagsumite ng game-high 22 points si Barroca, maagang tinapakan ng Magnolia ang silinyador. Siya ang bumitaw ng winner, ang buzzer-beating jumper nang pakagatin sa pump-fake si Christian Standhardinger bago inunahan ang dating ng help defense ni Matt Ganuelas-Rosser.

Nitong Linggo sa Game 6, inalat si Barroca sa 3 of 10 shooting, walang naipasok sa tatlong bitaw sa labas ng arc tungo sa katiting na 6 points.
May isang tsansa pa sa titulo ang Hotshots, pero kailangang mula tipoff ay maangas na agad.

“Dapat next game, makuha namin ‘yung good start namin,” panapos na giit ni Barroca.

Larga ang winner-take-all Game 7 bukas ng alas-7 ng gabi sa Big Dome rin. (Vladi Eduarte)