Abante Tonite Interactive

Barroca hirap sa sapatos noon shoe collector ngayon

0 673

Hindi nabiyayaan ng magandang sapatos panlaro sa kanyang kabataan si Philippine Basketball Association (PBA) player Andy Mark Barroca kaya sabik mangolekta ng sneakers sa panahong kaya nang bumili.

Inamin ng Magnolia Pambansang Manok guard sa bagong episode ng PBA Kamustahan online show ang pangongolekta ng sapatos dahil na rin isang mahirap na player noon.

“Since college, kasi galing akong Zamboanga, so wala (akong shoes). So tuwang-tuwa na ako na magka-shoes lang kahit isa,” tanaw-balik ng cager sa kanyang kabataan noong Miyerkules sa podcast ng PBA Facebook page.

“‘Yung panlaro namin isang sapatos, saka (minsan) isang tsinelas para makalaro lang,” kuwento niya.

Kaya naman nang nakakaipon na ng malaki, siniguro ng 34-anyos na dribbler na magkakoleksiyon ng magagandang sapatos.

“Kino-collect ko ‘yung kailangan, ‘yung ginagamit ni Michael Jordan (Nike Air) sa laro, ayun nakumpleto ko na,” sambit ni Barroca. “Dati nangongolekta ka kasi parang excited ka, e.”

Pero natigil na si Barroca sa madalas na pagbili at nagkasya na lang sa Nike Hyperdunks na kanyang gamit sapul nang mag-PBA, aniya’y ‘lucky charm’ niya.

“Since 2011 to 2015 (ko ginamit). Hanggang ngayon kini-keep ko ito,” sabi ng dating Gilas Pilipinas playmaker habang ipinapakita ang pares kina CJ Perez ng Columbian Dyip, TNT KaTropa Roger Ray Pogoy, at Magnolia teammate Jiovani Jalalon.

Sa mga taong iyon, nakasama si Barroca sa kampeonato ng Purefoods franchise simula noong 2012 (Commissioner’s Cup) na kanyang rookie season.

“Saka ‘yung sunud-sunod na apat namin,” panapos niyang wika, patungkol sa 2013 Governors Cup at grand slam season noong 2014. (Lito Oredo)

Tonite – Wendys Inhouse Ad