Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Barroca, Magnolia nangangamoy finals

0 57

Puro na ang Magnolia Pambansang Manok sa PBA Philippine Cup finals matapos ang 81-69 panalo kontra Meralco sa Game 4 ng semifinals Linggo ng gabi sa Bacolor, Pampanga.

Abante sa 3-1, puwede nang tapusin ng Hotshots ang best-of-seven sa Game 5.

Tumabo ng tig-17 points sina Mark Barroca, Ian Sangalang at Calvin Abueva para punan ang matamlay na laro ni Paul Lee na 2 of 11 lang sa field tungo sa 9 points.

May 11 rebounds pa si Sangalang, kumalawit din ng 12 si Abueva bago naupo higit 4 minutes pa matapos matawagan ng flagrant foul 1.

Naiwan sa 64-42 ang Bolts pero nanindak pa sa 74-69 pagkatapos ng tres ni Reynel Hugnatan. Sumagot ng pamatay-sunog na 3-pointer din si Barroca 2:12 para ibalik sa walo ang abante ng Magnolia.

Related Posts
SM SuperKidsDay Banner Ad

Tumapos si Hugnatan ng 21 points, may 13 si Cliff Hodge sa Bolts.

Nilampaso naman ng San Miguel Beer ang TNT 116-90 para ibuhol ang hiwalay na serye sa 2-2.

Nambarako si Mo Tautuaa ng 19 points sa kulang 12 minutes lang sa first half at tumapos ng 25. Nagsumite si June Mar Fajardo ng 13 points at 12 rebounds sa SMB.

Hindi natapos ni Tropang Giga center Poy Erram ang laro, isinugod sa ospital matapos tumama ang ulo sa sahig ng Don Honorio Ventura State U gym sa second period. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.