Abante Tonite Interactive

Barroca nakadalawa kay misis

524

Winelcome ni Philippine Basketball Association star Andy Mark Barroca at misis na si Ruselle Ann ang kanilang ikalawang anak na si baby Nathan Ezekiel nitong Miyerkoles ng gabi.

“Welcome to the world, our son, Nathan Ezekiel! Born at 36 weeks, 5.5lbs Excited to come out like your Ate Natalie ha? Hehe” deklarasyon sa caption na ipinost na larawan ni Ruselle katabi ang new born baby sa Instagram.

Sobrang pasasalamat naman ni Mark sa Pangi­noon sa blessing na dumating sa kanilang buhay at sa kanyang minamahal na asawa.

Pinaskil ni Mark sa kanyang IG: “Pinagdasal namin ‘tong anak namin sa Panginoon ng ilang taon at bigay Niya sa amin ito in the right time.

Salamat Panginoon sa binigay mong blessing sa family namin.”
“Salamat mahal sa pagdala mo sa baby natin ng ilang months, alam ko sobrang hirap nang pinagdaanan mo pero nakayanan mo lahat. Sobrang proud ako sa iyo, sa ginawa mo. I love you mahal ko,” caption sa isa pang hiwalay na post na litrato ni Mark.

Naglalaro ang 33-year-old, 5-foot-10 playmer at six-time PBA champion sa Magnolia Hotshots Pambansang Manok. (JAT)