Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Barter sa FB may buwis – Lopez

0 275

Nais ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez na patawan din ng buwis ang mga nagsasagawa ng barter na umusbong sa mga Facebook group nang magsimula ang lockdown sa malaking bahagi ng bansa noong Marso.

Sa barter trade, mabibili o makukuha ng isang tao ang isang produkto sa pamamagitan ng pagpapalit ng ibang produkto imbis na magbayad ng pera.

Sa Laging Handa briefing, sinabi ni Lopez na sa ilang lugar lamang sa Mindanao pinapayagan ang barter para mapaganda ang kabuhayan ng mga tao, lalo na iyong mga nasa tabing dagat. Aniya, limitado ito sa Sulu, Jolo, at Tawi-tawi.

“Ipapahanap natin `yon dahil illegal activity,” sabi ni Lopez tungkol sa mga barter trade na wala sa lugar na kanyang tinukoy. “Kung may regular na transaksyon, dapat may tax na binabayaran.” (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.