Abante Tonite Interactive

Barton sumingasing, Nuggets isinagitsit

741

Matamlay si Will Barton sa first half, nagising sa second para balikatin ang Denver Nuggets sa 116-104 panalo laban sa Phoenix Suns Linggo nang gabi.

Nilista ni Barton ang 12 sa kanyang 22 points sa third, nagdagdag si Paul Millsap ng 23 sa panlimang sunod na panalo ng Denver sa 74th NBA 2019-2020 regular season game.

Nag-ambag si Jamal Murray ng 22 points, nag-deliver si Nikola Jokic ng 8 points at 13 rebounds sa Nuggets.

“I feel like in the first half my energy wasn’t there and I wasn’t flying around on defense good enough so I told them I’m going to bring it the third quarter,” paliwanag ni Barton.
Ginawa nga niya.

Nilimitahan ng Denver si Phoenix guard Devin Booker sa season-low 12 points mula 5 of 13 shooting. Nag-a-average si Booker ng 26.2 points nga­yong buwan, pero halatang pagod sa panlimang laro sa pitong araw ng Suns.

“Two back-to-backs in one week, I haven’t heard of that before, but it’s what the schedule presented to us,” bulalas ni Booker.

Nawalan ng saysay ang career-high 22 points ni Cheick Diallo sa Phoenix, at career-high 17 rebounds ni Dario Saric na may 18 points pa.

May 7 points lang si Booker sa fourth pero nanatili sa unahan ang Suns hanggang mag-rally ang Nuggets.

Parehong nasa injury list ng Phoenix sina center Aron Baynes at Ricky Rubio. (VE)