Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Baryang bawas presyo sa petrolyo

0 256

Epektibo alas-sais ng umaga ngayong Martes, Hulyo 7, magpapatupad ng bawas presyo sa kanilang mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa dahil na rin sa pagbaba ng halaga ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Sa abiso ng Shell, bababa ng 65 sentimo kada litro ng gasolina at 40 sentimo sa kerosene. Wala namang price adjustment sa diesel.

Katulad na halaga rin ang bawas presyo ng mga independent oil company na PTT Philippines, Seaoil Philippines, Clean Fuel, Petro Gazz, Unioil Philippines, Eastern Petroleum at Fying V.

Ito ang unang price rollback sa mga produktong petrolyo matapos ang halos siyam na magkakasunod na linggong pagtaas ng presyo nito. (Mia B. Billones)

Leave A Reply

Your email address will not be published.