Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Baryang pondo sa drug war kinuwestyon ni Lacson

0 102

Kinuwestiyon ni Senador Panfilo Lacson ang aniya’y napakaliit na pondo sa istratehiya ng gobyero para masugpo ang problema sa iligal na droga sa bansa.

“Tinamad na ba si President sa fight against illegal drugs?” tanong ni Lacson sa pagdinig ng panukalang 2021 budget ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Dangerous Drug Board (DDB).

Sa nasabing pagdinig, inusisa ni Lacson ang mga opisyal ng dalawang ahensiya kung bakit P2 bilyon lang ang inilaan para sa Philippine Anti-Illegal Drugs Strategy (PADS).

Na-institutionalize ang PADS noong 2018 matapos mag-isyu ng Executive Order 66 si Pangulong Rodrigo Duterte.

SM food to go Banner Ad

Sa panukalang P2 bilyong budget allocation sa PAADS, P1.2 bilyon ay ibibigay sa Department of Health habang P644 milyon naman sa Department of Interior and Local Government kabilang ang P546 million para sa PNP.

“Ano ba ang treatment as per your strategy? Is this more of a law enforcement issue than a health issue? So, sa law enforcement, ang component niya 25 percent. Is that really the strategy?” tanong ni Lacson.

Giit ni Lacson, sa panukalang pondo ng PADS, dapat 50 porsiyento ang mapupunta sa health sector habang 25 porsiyento naman sa law enforcement.

“Kung ito (drug war) ‘yung top priority, bakit ganon kaliit ‘yung binibigay sa PADS?” tanong pa ni Lacson. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.