Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Basag-kotse sa resort, huli sa akto

0 354

Inaresto ng Cavite police ang isang miyembro ng `basag-kotse’ na sinamantala ang kalaliman ng gabi nang basagin nito ang bintana ng isang nakaparadang kotse sa parking area ng isang resort sabay tangay sa cellphone na nasa loob sa Rosario, Cavite.

Nakakulong ngayon sa Rosario Custodial Center ang suspek na si John Michael Ateta, 25, jobless at taga-Brgy Ligtong 4, Rosario, Cavite dahil sa reklamo ni Irelle Dave Sorido, 29, ng Rosario, Cavite.

Sa ulat ni Pat. Ricardo Mendoza Jr, ng Rosario Municipal Police Station, ika-1:00 kahapon ng madaling araw nang naganap ang insidente. Sinamatala ng suspek na tahimik sa parking area ng Mount Sea Resort sa Brgy Bagbag 2 saka nito binasag ang kanang bintana ng isang Toyota Vios na may plakang DDL 6298 at tinangay ang Huawei Nova 21 Lite na cellphone pero tiyempong napadaan ang nagpapatrulyang barangay tanod na si Jimmy Mojica, 55, na ikinaaresto nito.

Kasong robbery ang isinampa laban sa suspek. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.