Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Basag-kotse tumiba sa policewoman

0 470

Isang policewoman na nabiktima ng ‘basag-kotse’ ang natangayan ng milyong halaga ng mga alahas, mamahaling bag, relo at daang libong cash makaraang iparada ang kanyang sasakyan sa isang restaurant sa Cubao, Quezon City, Sabado ng gabi.

Ang biktima ay si P/Maj. Carolina Ilagan San Pedro, 43, walang asawa, nakatalaga sa Firearm Explosive Office (FEO) sa Camp Crame at taga-76, Unit 15, 9th Ave., Brgy. Bagong Lipunan ng Crame, Cubao, QC.

SM food to go Banner Ad

Natangay sa policewoman ang bag na naglalaman ng mga alahas na nagkakalahagang P2,000.000, dalawang Loui Vuitton shoulder bag na P200,000, tatlong gucci watch (P300,000), P160,000 cash, mga credit cards at Huawei cellphone na P8,000,00 ang presyo.

Sa report kay P/Major Jowilouie B Bilaro, hepe ng Cubao Police Station 7, dakong alas-8:45 ng gabi nang maganap ang insidente sa parking lot ng Kopi Tism Restaurant sa C. Benitez St., cor. Bonny Serrano, Brgy. Horshoe, Cubao.

Ayon sa imbestigador na si PSMS Marvin Masangkay, ipinarada umano ng policewoman ang puti niyang Toyota Fortuner (AS B143) sa harap ng nasabing restaurant subalit pagbalik ay basag na ang kanang bintana ng sasakyan at nilimas ang nasabing gamit. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.