Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Basang bigas puwede pa kainin – Dar

0 137

Huwag itapon dahil mapapakinabangan pa ang mga nabasang bigas sa Catanduanes habang kasagsagan ng super bagyong `Rolly’.

“`Yong nabasang bigas ay puwede pa naman `yon. Ibilad lang. Hindi iyan bulok. Magagamit pa in the future,” sabi ni Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar sa panayam sa telebisyon.

Kaugnay ito sa ulat na nasa 8,000 mga sako ng bigas ng National Food Authority (NFA) ang nabasa sa bodega nito sa Catanduanes na unang hinagupit ng bagyong `Rolly’.

Kasabay nito, tiniyak ni Dar na sapat ang suplay ng bigas sa Catanduanes at maaari pa aniyang bumili ng mura sa NFA.

Leave A Reply

Your email address will not be published.