Abante Tonite Interactive

Basbas ng mayor sa QC school tanaw ni Precious

1,638

Naniniwala si leading Quezon City councilor Precious Hipolito Castelo na susuportahan at aaprubahan ni Mayor Herbert Bautista ang panukalang pagtatayo ng Pamantasan ng Lungsod Quezon.

Ayon kay Precious, pangunahing tagapagsulong si Bautista ng adbokasiya sa edukasyon at pihadong hangad nito na may unibersidad ang lokal na pamahalaan na tutugon sa pag-aaral ng mga mahihirap ngunit matatalinong estudyante ng lungsod.

“Like many successful leaders who believe in the power of education to change lives and deve­lop a nation, our mayor has been at the forefront of many programs to promote learning and know­ledge among our youth. The university we plan to build would be helpful in boosting his thrust on education,” ani Precious.

Si Precious ang may-akda ng panukala para sa isang pamantasan na itataguyod at patatakbuhin ng city government. Aprubado na sa Konseho ang panukala at inaantay na lamang ang lagda ni Bautista bago ito maipatupad.

Inaasahan ni Precious na magbibigay-daan ang nasabing pamantasan para sa de-kalidad na edukasyon at abot-kayang matrikula para sa mga mahihirap na estudyante.

“Once established, it will also promote advance studies and progressive leadership in tertiary edu­cation and their fields as may be relevant,” sabi ni Precious.

Hangad din ng natu­rang paaralan na magbi­gay ng propesyonal na pagsasanay sa public affairs, magsagawa ng pagsasaliksik at mag-ambag sa pagpapalawak at paggamit ng kaalaman.