Abante Tonite Interactive

Base sa Dengvaxia scandal? TomJen serye, wild sa bakunang itinurok

By
8,098

Feeling action star si Jennylyn Mercado sa bago niyang Kapuso primetime series na The Cure.

“Feeling lang! Ha! Ha! Ha!” tawa ni Jen, na excited dahil bago raw sa kanya ‘yung nag-i-stunts sa teleserye.

Masaya siya dahil nagagamit niya sa fight scenes niya rito ang trainin­g niya sa Jiu-jitsu at sa Balintawak knife fighting.

Nilinaw ni Jen na hindi zombies ang mga makakaenkuwentro nila sa The Cure kundi infected patients, na nagiging weird ang itsura, tapos ay umaatake at nangangagat, pero hindi sila undead na tulad ng zombies.

Inspired ba ng kontrobersiyal na Dengvaxia vaccine ang istorya nito? Kaya lang, sa halip na dengue ay cancer patients ang tampok dito, na imbes na gumaling ay naging wild dahil sa bakunang itinurok sa kanila.

Sabi ni Jen, original concept ang The Cure at 2012 pa ito nabuo, nga­yon lang nagawa ng GMA dahil dati raw ay hindi pa ready ang local audience sa ganu’ng klase ng concept.
Masaya rin si Jen na kapareha niya rito si Tom Rodriguez for the first time. Aniya, very energetic si Tom at ang dami niyang natututunan dito dahil pareho silang maraming tanong.

Mahilig daw sila sa Science at sa computers. May mga tanong si Jen na hindi masagot ng iba at si Tom lang ang nakakasagot, kaya klik sila.

Ayon kay Tom, kung totoong may cancer vaccine ay malamang paturukan niya ang daddy niya kung nabubuhay pa ito dahil gagawin niya lahat para maisalba ang buhay ng kanyang ama.
Mamayang gabi na ang simula ng The Cure sa GMA Telebabad kapalit ng Sherlock Jr.

Paul ‘di kayang isalba ng six-pack abs ang kahambugan

Kung gaano kaganda ang PR ni Dingdong Dantes ay parang ganu’n ka-poor ang PR ng pamangkin niyang si Paul Salas.

Dapat yata ay mag-seminar ang 20-anyos na si Paul sa Tito Dingdong niya na magaling makisama lalo na sa showbiz press.

Antipatiko ang dating ni Paul nang magreak siya sa isyung hindi raw boto ang mga magulang niya sa nobya niyang si Barbie Imperial.

Okey lang na linawin niyang walang problema ang parents niya kay Barbie, pero ang epal nu’ng sabihin niya na pang panira ‘yung reporter na nagtanong at hiritan ito ng ‘shut the fuck up’.

Ang angas din nu’ng tweet niya na, “Paul Salas will say what he wants to say, period,” na ni-delete din niya after.

In fairness ay ang ganda ng sinabi ni Barbie nu’ng presscon ng Precious Hearts Ro­mances Presents: Araw Gabi na hindi magseselos si Paul sa leading man niyang si JM de Guzman dahil magkaibigan ang dalawa.

Sana ay nagpaka-posi­tive na lang si Paul para good vibes lang, lalo pa’t ito na ‘yung big break na hinihintay ng nobya niyang si Barbie.

Buti na lang ay med­yo bumawi si Paul du’n sa tweet ng fadir ni JM na dinedepensahan ang binata, na minsan na ring nakaangasan ni Daniel Padilla dahil sa basketball.

Tweet ni Mr. Ronniel de Guzman, “Mabait na bata si Paul. Nu’ng hawak ko pa ang IG ni JM, lagi niya kinakamusta ang ‘kuya’ niya. Konti lang nangangamusta kay JM nu’ng down siya. Si Paul Salas ang isa sa mga taong ‘yon.”

Ayun naman pala. Sana, tanggalin na ni Paul ang maldito image niya at magbait-baitan na lang siya.

Dahil kahit pa yummy siya ay hindi siya ka­yang isalba ng six-pack abs niya kung hambog ang ugali niya.

May balitang lumipat na si Paul sa Kapuso network, pero bakit parang wala pang nangyayari sa career niya?

Baka mapag-iwanan siya ni Barbie ‘pag uma­lagwa ang career nito dahil sa pagkakatamba­l nito kay JM.

Ngayong hapon na ang simula ng Araw Gabi nina JM at Barbie sa Kapamily­a Gold pagkatapos ng Asintado.