Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Baser pasalamat sa Meralco

0 251

Isang pasasalamat ang naging mensahe ni PBA stalwart Baser Amer para sa Meralco na naging tahanan niya ng limang taon.

Inaprubhan noong Huwebes ni pro league commissioner Willie Marcial ang trade deal sa pagitan ng Bolts at Blackwater kung saan napunta sa Bossing sina Amer at Bryan Faundo kapalit ni Mac Belo.

“5 long beautiful years with the Bolts went by so fast. Walang ibang masasabi kung hindi pasasalamat, from boss MVP to the coaches and staff as well as the management and my former teammates. Grateful for the beautiful ride with this organization, nothing more I could ask for,” sey ng 28 taong-gulang, 6-0 ang taas at Davao City na point guard. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.