Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Basheirrou angat sa Maiden Race

0 161

IPINAMALAS ni Basheirrou ang husay sa karerahan nang angkinin ang panalo sa 2021 PCSO 2-Year-Old Maiden Stakes Race na inilarga kahapon sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Tinutukan lang ni Basheirrou ang matulin na si Enigma Uno pero sa huling 600 metro ng karera ay kinuha na ng winning horse ang unahan at tumuloy hanggang meta.

Nagwagi si Basheirrou ng may anim na kabayo ang agwat sa pumangalawang si Enigma Uno.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Ang ganda ng diskarte, hinayaan lang na mauna si Enigma Uno, nung kumapit dire-diretso na sa meta si Basheirrou,” saad ni Clarito Villegas, karerista.

Sinakyan ni class A rider Kelvin Abobo, inirehistro ni Basheirrou ang 1:17.4 oras sa 1,300-meter race upang sikwatin ng connection nito ang premyong P600,000 habang P200,000 ang naibulsa ng second placer na si Enigma Uno.

Hinamig naman ng owner ng third at fourth placer na sina Tinago Falls at Hot Rot Hearts ang P100,000 at P50,000 ayon sa pagkakasunod. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.