Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Basher ni Bong Go pinatawag ng NBI

0 1,181

Pinadalhan ng subpoena ng Cyber Crime Division ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang college student na nag-share diumano sa social ng isang kritikal na post laban kay Senador Bong Go.

Nabatid na ang estudyante ay tumanggi na makapanayam pero nalaman na abogado ni Go ang naghain ng reklamo sa NBI.

Posible umanong may kinalaman ang cyber libel complaint sa Balik Probinsiya program ng senador na binatikos.

“We have nothing against freedom of expression. Karapatan ‘yan ng bawat Pilipino pero kailangan intindihin ng lahat na may kasamang responsibilidad ang mga ito bilang isang mamamayan,” ayon naman sa pahayag ni Go. ((Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.