Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Basher ni Sunmi talo sa korte

0 226

Pinatawan ng parusa ang isang netizen sa South Korea. Ito’y dahil sa pamba-bash kay Sunmi, dating miyembro Wonder Girls.

Siguradong mapapa- #SanaAll ang mga celebrities sa bansa kung malalaman na sa South Korea ay napaparusahan ang mga netizen na naabuso social media.

Related Posts

Isang 48 year old na Korean ang pinatawan ng guilty ng pang-iinsulto. Pinagbabayad ito ng ng 500,000 won o $414.5 ng Changwon District Courts.
Nag-post kasi ito sa isang public forum.Sey niya kay Sunmi, “She looks like bar hostess.”

Komento ito ng netizen sa larawan ni Sunmi noong December 2019. Tiningnan ito ng korte na pang-iinsulto at para mapahiya ang singer.“
Ayon sa korte, “The content of the defendant’s words are vulgar and the nature of the crime was of ill intent. Also, the victim did not forgive the defendant, and the defendant did not make any efforts to recover the damages.”

Lahad naman ng agency ng singer, “Our agency will pursue legal action through civil and criminal suits without making settlements nor showing leniency, and we plan to make sure that those who cause harm in the future will also pay the full price for their actions.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.