Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Basilan coach banas sa MPBL

0 452

Hindi itinanggi ni Jerson Cabiltes ang hinaing at sama ng loob nang ilaglag ang Basilan para sa 3rd MPBL Lakan Cup 2019-20 South Division finals nang may magpositibong Covid-19 sa apat na player ng team.

“Hard to accept that everything we have work for two years will just end in a snap. Management and players invested so much here,” sentimyento sa Abante ng Steel coach nitong Martes. “Basketball should be won inside the basketball court.”

Nilaglag ng liga ang Basilan sa division finals at pinaabante ang Davao via default. Ang huli na ang hahamon sa defending champion San Juan sa national finals. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.