Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Basketball player, food delivery boy

0 139

Mahigit pitong buwan na ang Covid-19 sa mundo sapul nang maging pandemya nitong Marso.

Marami ang mga nawalan ng hanapbuhay, natuto ang ilan na dumiskarte sa marangal na paraan upang may mapagkakitaan para sa pang-araw-araw na mga pangangailangan.

Isa rito ang naglalaro sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) na si James Solero ng Pasay City Voyager.

Related Posts

Sa bakante niyang oras, hindi niya ikinahiyang sumabak siyang maging delivery boy sa isang sikat na food service sa bansa (Panda).

Kasabay nito, patuloy pa rin ang pangangalaga niya sa kalusugan. Nito lang Miyerkoles, nagbatak ng katawan ang basketbolista kahit wala pang laro sa nakatakdang ituloy na 3rd MPBL 2019-20 at sa pang-apat nitong edisyon.

“Nakapagpapawis din ako sa wakas sobrang tagal na hind nakakapaglaro,” caption ni Solero sa kanyang FB post. “Nakapag-burn din ng fats para ma-maintain ang fit.” (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.