Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Basketball puwede na sa Valenzuela

0 95

Pinapayagan na ng pamahalaang lokal ng Valenzuela ang paglalaro ng basketball, volleyball at iba pang mga contact sport, kasabay ng paglalagay sa alert level 2 COVID-19 quarantine status sa National Capital Region at ilang bahagi ng Luzon.

Epektibo ito simula ngayong Nobyembre 18, kung saan bubuksan na ang mga covered at open court para sa mga gustong maglaro. Saman­tala, bawal pa rin ang mga miron o manonood lang ng laro.

Magugunitang mula Marso 2020 pa ipinagbawal ang paglalaro ng basketball at iba pang contact sport dahil sa pag­kalat ng COVID-19 sa bansa.

Ayon sa Valenzuela City government, lahat ng mga makikilahok – kabilang ang mga manlalaro, organizer, at referee – ay dapat fully-vaccinated kontra coro­navirus at nagpasa ng request, kasama ng listahan ng kanilang pangalan at vaccination card.

Ang mga laro ay dapat idaos sa mga court na kayang mag-accommodate ng 50% ng capacity para sa indoor games, at 70% naman para sa outdoor games. (Orlan Linde)

Leave A Reply

Your email address will not be published.