Abante Tonite Interactive

Basketbolista nagpapabugaw

By
2,321

Maingay na pinagpistahan sa isang umpukan ang isang kilalang basketball player. May kani-kanyang kuwento kasi ang buhay ng mga basketbolista pero kakaiba ang istorya ng kontrobersiyal na basketball player na ito.

Malaki na ang kinikita niya sa pagdidribol at pagsu-shoot, kung tutuusin ay sobra-sobra pa sa kanyang mga pangangailangan ang tinatanggap niyang salary sa paglalaro, pero humaha­nap pa rin siya ng sideline.

Kilalang-kilala ang player na ito sa sirkulasyon ng mga tindera ng karneng buhay. Madalas siyang tumawag at mag-text sa isang kilalang Boogie Wonderland (read: pimp, bugaw) para ihanap siya ng mapagkakakitaan.

Kuwento ng aming source, “Kung iisipin, e, hindi na niya kailangang humanap pa ng ibang pagkakakitaan dahil ang laki-laki na ng suweldo niya sa paglalaro. Pero bakit nga ba kasi siya nagkakaganu’n?

“Tatawag siya sa booker, ‘Ihanap mo naman ako ng raket, kailangang-kailangan ko lang!’ May bisyo kasi siya, matagal na siyang gumagamit ng drugs, alam niyang makasisira sa katawan niya ‘yun, pero sige pa rin siya sa paggamit.

“At hindi siya nagpapa-book nang paminsan-minsan lang, madalas niyang gawin ‘yun, kasi nga, ma­lakas siyang umiskor ng drugs. Kaya nakikita sa paglalaro niya ang bisyo niya.

“Mainitin ang ulo niya, konting balya lang sa kanya ng kabantayan niya, nananakit na siya! Ganu’n siya, lalo na kapag mababang-mababa na ang tama niya, napakadali niyang magalit!” kuwento ng aming impormante.

Natural, walang nagawang positibo sa kanya ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot, palagi siyang nasasangkot sa kung anu-anong gulo.

Ngayon ay hindi na siya nakapaglalaro. Mahirap magdribol at mag-shoot sa kakapirasong lugar na kinahantungan niya dahil sa isang asuntong pinagdudusahan na niya ngayon.

Ai Ai umalma sa campaign jingle

Tama lang ang pa­nawagan ni Ai Ai delas Alas sa mga gu­magamit sa piyesa ng Ex Battalion sa mga kampanya. Sa totoo lang, kahit saan ay maririnig ang pinasikat na materyal ng grupo, mabentang-mabenta sa Baranga­y elections ang kanilang kant­a pero wala naman silang k­inikita.

Ginagamit ‘yun nang walang paalam sa Ex Battalion, sa recording company at sa Comedy Concert Queen bilang manager, ilegal ang paggamit ng piyesa ng kahit sinong singer o grupo nang wala man lang pasintabi.

Palaging biktima ng ganyan ang singer na si Lito Camo. Sa dami ng mga kantang pinasikat nito ay namimili na lang ang kandidato kung alin ang kanilang gagamitin para sa kanilang campaign jingle.

Bibihira ang humihingi ng lisensiya mula kay Lito Camo, nakararating na lang sa kanya ang mga kuwento, napakalaking abala naman kung iisa-isahin ng singer-composer kung sinu-sino ang gumagamit ng mga ginawa nitong kanta dahil karamihan ay sa mga probinsiya pa.

Mabenta rin ang “Ikaw Na Nga” ni Willie Revillame tuwing eleksiyon, nilalapatan lang ‘yun ng bagong ly­rics, dahil mapuso at maganda ang kanta.

Malaking imbitasyon kasi sa pagkuha ng boto ang mga kantang sikat, may recall agad, kaya hindi man nagpapaalam ay naging gawain na ng mga kumakandidato ang paggamit ng mga pamilyar na piyesa.

Nakakalungkot lang isi­pin na walang kahahantu­ngan ang panawagan ni Ai Ai delas Alas na magpaalam naman sana sa kanya bilang manager ang mga pulitikong gumagamit ng kantang “Hayaan Mo Sila” ng Ex Battalion.

Ni singkong duling ay wala man lang tinatanggap na umento o royalty ang grupo sa gasgas na gasgas nilang kanta sa mga campaign jingle.