Abante Tonite Interactive

Basketbolista naubusan ng mga inuutangang player

0 917

KALAT na kalat na sa mundo ng basketball ang matinding pangangailangan ngayon ng isang mahusay pa naman sanang player. 5-6 ang tawag sa kanya ngayon sa mundo kung saan siya nakilala ng publiko.

Kuwento ng isang source, “‘Yun mismo ang bansag sa kanya ngayon, 5-6, dahil kapag naubos na ang mga puwede niyang utangang players, e, baka pumatol na rin siya sa pangungutang sa mga Bombay!

“Matindi nga ang pangangailangan niya ngayon, inaalat pa naman ang career niya, kasi nga, hindi siya marunong magkontrol ng emosyon niya!

“Barubal siyang maglaro, palaaway siya, ang akala yata niya, e, boxing arena ang hardcourt kaya ganu’n siya kagarapal maglaro!” inis na pahayag ng impormante.

Mabait pa rin ang kapalaran sa isang becki personality na minsang nadikit ang pangalan sa basketbolistang ito. Ipinag-adya ito ng panahon.

“Naku, kung hindi agad nauntog sa katotohanan ang becking ‘yun, e, di ginawa lang siyang palabigasan ng player na ‘yun? Buti na lang talaga!” nakairap pang kuwento ng aming source.

Vice nakakaumay na

HINDI naging paborable kay Vice Ganda ang babaran niyang exposure sa telebisyon. Mula Lunes hanggang Sabado ay napapanood siya sa It’s Showtime. Tuwing Linggo naman nang gabi ay meron siyang GGV.

Kung ano ang napapanood sa kanya nang isang buong linggo na pagkokomedya ay ‘yun din ang nakikita sa kanya sa pelikula. Du’n na pumapasok ang umay factor.

Kung sana’y iba ang nakikita sa kanya sa araw-araw, kung sana’y ibang atake ng pagkokomedya naman ang ihinahain niya sa publiko, ‘di sana’y siya pa rin ang mayhawak ng trono ng MMFF.

Halos kalahati ng dating kinikita ni Vice sa kanyang pelikula sa MMFF ang ibinagsak ng kanyang kinita ngayon, ang mahigit na 600 million ay nangalahati na lang, talagang kailangan niyang rebisahing mabuti kung saan sila nagkamali para lampasan siya nang milya-milya ni Aga Muhlach sa isang iyakang pelikula.

Sabi nga ng kaibigan naming propesor, “There’s always a first time. And with that first time, he should learn his lesson. There’s no forever.”

Sheryl nasulot ang ‘babae’ ni Jeric

ILANG kasamahang manunulat na at mga kaibigan ang nagtatanong sa amin kung sino ang non-showbiz girlfriend ni Jeric Gonzales na nakahiwalay ng aktor dahil kay Sheryl Cruz.

Magkakasundo na ang Amerika at Iran sa giyera sa pagitan ng dalawang bansa ngayon pero hindi pa rin namin maapuhap ang sagot sa tanong.

Hindi namin kilala ang non-showbiz girlfriend ni Jeric, kahit minsan ay hindi niya naman ipinakilala sa amin ang babae, paano namin masasagot ang tanong?

Mananatiling pahulaan kung sino ang babaeng ‘yun na diumano’y ipinagpalit ni Jeric kay Sheryl Cruz.

‘Yun lang.

Kabado sa paglipat ng mga taga-Dos

SUMABOG kaming lahat sa Take It… Per Minute Me Ganu’n nu’ng nakaraang Martes nang tanghali. May kuwento kasi na kinakabahan daw ngayon ang maraming artista ng AOS dahil baka mawalan sila ng trabaho kapag hindi nakakuha ng renewal ng franchise ang ABS-CBN.

Natural, magdadagsaan ang paglipat ng mga artista ng Dos sa GMA-7, kaya ang mahihinang miyembro ng bagong variety show ng Siyete ay siguradong mapapalitan ng mga magsisilipat sa kanilang kuwadra.

Kumakain nu’n ng cake si Gorgy Rula, bigla itong sumigaw, “Mas dapat kabahan ang mga taga-ASAP Natin ‘To, dahil marami pa sa kanila ang hindi nag-a-out!”

Bwahahahaha!!!!