Abante Tonite
Mabilis sa Balita

‘Basketbrawl’ ng Gilas, Boomers putok sa mundo

0 123

Isa sa pinakahuling tumatak na balita sa Philippine basketball ang nangyaring rambulan ng Gilas Pilipinas at Australia Boomers noong July 2, 2018 sa window ng FIBA Asia World Cup qualifying sa Philippine Arena.

Third quarter ng laro at abante ang Boombers 79-48, nauwi sa suntukan ang laro.

Ito ang basketbrawl na naging headline sa buong mundo.

Nagsalpukan sa ere sina RR Pogoy at Chris Goulding, sadsad ang Australian. Binigyan ni Daniel Kickert ng siko sa ulo si Pogoy, naglabu-labo na.

Parang rambulan sa kanto – suntukang hit-and-run, flying kicks, may napalo ng silya.

Nang humupa ang free-for-all, sina Gabe Norwood, June Mar Fajardo at Baser Amer na lang ang natira sa bench ng Gilas

Ejected sina Pogoy, Terrence Romeo, Jayson Castro, naturalized Andray Blatche, Calvin Abueva, Carl Bryan Cruz, Matthew Wright, Troy Rosario, Japeth Aguilar at Jio Jalalon.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa panig ng Australia ay exit sina Goulding, Kickert, Thon Maker at Nathan Sobey.

Tinuloy ang laro, fouled out sina Fajardo at Norwood at dahil si Amer na lang ang naiwan sa Gilas ay tinigil ang laro. Binigay ang panalo sa Boomers 89-53.

Inabot ng 17 days na imbestigasyon bago nagdesisyon ang FIBA.

May 10 players ng Gilas at sina coach Chot Reyes at assistant Jong Uichico ang mga sinuspinde at pinagmulta.

Suspendido ng anim na laro si Abueva, tig-lima sina Pogoy, Cruz at Jio Jalalon, tatlo kina Romeo, Castro, Blatche at Rosario. One game each sina Aguilar at Wright.

Multado ng 10,000 Swiss francs si coach Chot dahil sa ‘Hit somebody’ comment na narinig sa TV, suspendido (1) si Uichico (unsportsmanlike conduct). Pinagmulta ang Samahang Basketbol ng Pilipinas ng 250,000 Swiss francs.

Sa Australia side, suspendido sina Kickert (5 games), Goulding (3) at Maker (1). Pinagmulta ng 100,000 Swiss francs ang Australia Basketball. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.