Abante Tonite Interactive

Bassist ng Ben&Ben nalaglag sa stage

438

Sugatan ang miyembro ng Ben&Ben na si Agnes Reoma matapos malaglag sa stage habang nagpe-perform nitong Sabado, January 25. Nasaksihan ng mga manonood sa Don Bosco Technical Institute sa Makati ang pangyayari.

Makikita sa video na ipinost ng isang netizen, patalon-talon ang bassist ng grupo. Maya-maya lang ay bumigay ang platform na kinatatayuan niya at lumusot sa butas.

Nagtamo si Agnes ng minor injury at maayos na ang kalagayan ngayon. Naglabas ng update ang grupo sa Twitter para sa mga fan na labis ang pag-aalala.

“@agnesreoma has been injured but is safe and conscious. We’ll update you more soon,” saad ng caption.

Nabunatan naman ng tinik ang mga fan ng bassist.

Sey nila sa Twitter,

@bbhbbvii, “hat is why i dreamt of ben&ben last night esp when agnes gave me some korean hearts only to find out she got injured huhuhu get well soon @agnesreoma @BenAndBenMusic !!”

@vivadelpilar, “woi si agnes ng ben&ben hope she’s okay na.” (Rona Ronda)