Abante Tonite Interactive

Baste nakipag-date kay Miss Ecuador

584

Ibinuking ni Pangulong Rodrigo Duterte ang anak na si Davao City Vice-mayor elect Sebastian o ‘Baste’ na naka-date ang beauty queen na si Miss Ecuador.

Sinabi ng Pangulo na walang dating sa kanya ang mga dayuhang beauty queen, subalit iba aniya ang kanyang anak na si Baste.

Gayunman hindi tinukoy ng Pangulo kung kailan at kung saan nangyari ang pag-date ni Baste sa beauty queen.

“Ito nga si Sebastian, P***i** dinala ‘yung Miss Ecuador. Saan ‘yang si Buang? Nandito ba si Sebastian?” anang Pangulo
Matatandaang nababanggit minsan ng Presidente ang kanyang anak na si Baste kapag napapaugnay sa mga babae tulad ng nakarelasyon ang starlet na si Ellen Adarna.

Sinabi ni Pangulong Duterte na bihira lang ito humanga sa mga dayuhang babae dahil wala aniyang atraksiyon ang mga ito sa kanya.

Hindi umano siya attracted at nae-L (libugan) sa mga babaeng dayuhan
“Ako sa totoo lang maski … hindi ako nag-aano. Seldom, kung meron akong makita pero kung sabihin mo magrelasyon ako ng mga foreigner, wala akong ‘L’ sa kanila,” dagdag ng Pangulo.(Aileen Taliping)