Abante Tonite Interactive

Baste palit kay Sara sa balwarte ni Leni

279

Nagpahayag si Davao City Mayor Sara Duterte na hindi ito makakadalo sa senatorial caravan ng Hugpong ng Pagbabago (HNP) na gaganapin sa Region 5 o Bicol simula Martes.

Sa isang panayam kay Mayor Sara sinabi nitong hindi ito makakapunta sa mga proclamation rally ng HNP na gaganapin sa Daet, Camarines Norte; Libmanan, Camarines Sur; Pili, Camarines Sur; at sa Legaspi City, Albay.

Ipinaliwanag ng presidential daughter na kailangan nitong bumalik sa Davao City dahil sa personal na obligasyon.

Abante Hiring – IT dep

Ang nakakababatang kapatid nito na si Sebastian ‘Baste’ Duterte ang hahalili sa Bicol leg ng caravan ng partido.
Kinokonsiderang balwarte ni Vice President Leni Robredo ang Bicol dahil nagmula ito sa Naga City.