Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Baste, Paolo nangibabaw sa Davao

0 66

Nakaungos sa mga lokal na botohan sa Davao City ang mga anak ni outgoing President Rodrigo Duterte batay sa partial, unofficial results ng Commission on Elections (Comelec) kahapon.

Nanguna sa pagka-alkalde si incumbent Davao City Vice Mayor Sebastian “Baste” Duterte, na nakatakdang humalili sa ate niyang si Sara Duterte bilang alkalde ng lungsod.

Mayroon siyang 554,242 boto, base sa tally at malayo ang agwat kumpara sa kalaban nitong sina Ruy Elias Lopez na may 61,933 boto, Joseph Hannibal Elizalde (2,786 boto, at Teddy Mantilla, 935 boto.

Samantala, nangunguna rin sa kongreso ang nakatatandang kapatid na si Davao City 1st District Rep. Paolo Duterte kung saan malayo rin ang agwat ng katunggaling sina Mags Maglana (13,771 boto), Jamal Kanan (1,326 boto), at Jovanie Mantawel (632 boto).

Leave A Reply

Your email address will not be published.