Abante Tonite Interactive

BASTE SUMANDAL SA DEPENSA

By
10

Mga laro ngayon: 
(Filoil Arena, San Juan) 
8 a.m.- JRU vs UPHSD (jrs) 
10 a.m.- EAC vs CSB (jrs) 
12 nn.- JRU vs UPHSD (srs) 
2 p.m.- EAC vs CSB (srs) 
4 p.m.- LPU vs SBC (srs) 
6 p.m.- LPU vs. SBC (jrs) 

Kinapitan ng San Sebastian ang higpit ng kanilang depensa upang pagpagin ang Arellano University, 65-56 kahapon sa 93rd NCAA basketball tournament sa Arellano U Gym sa Legarda, Manila.

Siniguro ng Stags na hindi na mauulit ang nangyari sa kanila sa unang laro laban sa defending champion San Beda College sa opening day ng liga.

Yumuko ang San Sebastian sa Red Lions, 67-76 noong Sabado sa Mall of Asia Arena sa pasay City.

Nagtala ng 12-2 run ang Stags mula sa three-point shot ni RK Ilagan para hawakan ang 11-point lead, 61-50 may dalawang minuto na lang sa fourth quarter.

Bumanat ng 6-0 run ang Chiefs upang ibaba sa lima ang hinahabol, 56-61 pero hindi na sila pinaporma ng Stags matapos isalpak ni Michael Calisaan ang panelyong dos tungo sa 63-56.

“We learned in our San Beda loss that we couldn’t relax in the fourth quarter,” hayag ni San Sebastian coach Egay Macaraya.

“That is the reason we made a conscious effort to play with more intensity and defend harder in the fourth quarter.”

Nagtala si Calisaan ng 12 points at 13 rebounds para tulungan ang San Sebastian na ipinta ang 1-1 card.

Bumira si Kent Salado ng 15 points para sa Arellano na 1-1 din ang baraha.
Kasalo ng Stags at Chiefs ang College of Saint benilde sa fourth place.

Nagwagi naman ang Arellano sa San Sebastian, 86-80 sa juniors division.
Tangan ng Junior Chiefs ang 1-1 card habang 0-2 ang karta ng Staglets.

Mga iskor:

San Sebastian 65 – Calisaan 12, Bulanadi 10, Calma 10, Ilagan 9, David 5, Navarro 5, Capobres 4, Are 4, Mercado 4, Valdez 1, Baytan 1, Gayosa 0, Baetiong 0.

Arellano 56 – Salado 15, Meca 8, Nicholls 6, Dela Cruz 5, Flores 4, Canete 4, Abanes 4, Enriquez 3, Alcoriza 3, Villoria 2, Taywan 2, Ongolo Ongolo 0, Concepcion 0, Padilla 0.

Quarterscores: 24-8; 30-25; 46-43; 65-56.