Abante Tonite Interactive

Baste taas-noo kay Ilagan

By
0 227

Standings W L
*SBU 15 1
*LPU 15 2
*CSJL 13 4
*UPHSD 11 6
CSB 8 8
AU 5 11
SSC-R 5 12
MU 5 12
EAC 4 14
JRU 3 14
*semifinalist

Mga laro sa Martes:
(FilOil Flying V Center)
2:00 p.m. – CSB vs JRU
4:00 p.m. – Arellano U vs Mapua

Wala ng silbi ang laban pero ganado pa rin maglaro ang San Sebastian College Stags.

Taos noo ang Stags sa ipinakitang performance ni RK Ilagan, tumikada ito ng career-high 26 points upang akbayan ang San Sebastian sa 86-64 panalo kontra Mapua University kagabi sa 94th NCAA basketball tournament sa FilOil Flying V Centre, San Juan.

Kahit laglag na sa asam na final four, tinuloy pa rin ni Ilagan ang pagpapakitang gilas para sa Baste na may 5-12 karta, nagpaulan ng tres kaya naman natambakan nila ang Cardinals.

“It’s RK’s day today and alam naman natin na pag araw niya, uulan ng tres,” saad ni SSC head coach Egay Macaraya.

Bumakas si Michael Calisaan ng 16 markers at limang rebounds habang may kinanang tig 10 puntos sina Allyn Bulanadi at Ken Villapando.
Samantala, pinasabog ng Jose Rizal University Heavy Bombers ang Emilio Aguinaldo College Generals, 81-78 sa pangatlong laro.