Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Baste tinamaan ng COVID

0 41

Nagpositibo si Davao City Vice Mayor Sebastian ‘Baste’ Duterte sa coronavirus disease.

Kinumpirma ito kagabi ng utol ng presidential son na si Mayor Sara Duterte-Carpio sa pamamagitan ng Facebook post.

Dahil sa pangyayari ay nagkita na lamang ang pamilya Duterte ani Mayor Sara sa pamamagitan ng video call.

“Sa ngayon, via video call muna ang family kumustahan nang malaman naming positive sa Covid-19 si Vice Mayor Baste. Get well soon Vice! Smile,” saad ni Duterte-Carpio.

Sa ibinahagi niyang screenshot ng video call, makikita siya kasama ang mga kapatid na sina Davao City First District Rep. Paolo Duterte at Baste, at kanilang mga magulang na sina Pangulong Rodrigo Duterte at Elizabeth Zimmerman. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.