Abante Tonite Interactive

Bastos na Chinese, ungas, sarap upakan — Ejercito

434

Hindi umano dapat palagpasin ang ginawang pambabastos ng Chinese national na inaresto sa paglabag sa trapiko at pagdura pa nito sa isang pulis Maynila.

Ayon kay dating Senador JV Ejercito, dapat ikulong ang Chinese dahil ang mga ginawa niya’y pambabastos hindi lang sa buong kapulisan kundi sa dangal ng bansa.

“Yung mainland Chinese na nandura ng pulis ay dapat kulong! Huwag palagpasin. Pag nakita ko yan ako mismo ang uupak sa ungas na yan!,”
naggagalaiting pahayag ni Ejercito sa kanyang Twitter post.

Nakatakdang isailalim sa inquest proceeding ang Chinese na si Zhou Zhi Yi, 50, dahil sa patung-patong na kasong nilabag nito.

Matandaan na nagtangka pang tumakas si Zhou nang hulihin ng mga awtoridad na nauwi sa pag-araro niya sa ilang mga motor at kotse mula Tayuman hanggang Jose Abad Santos.

Sabi pa sa report, nakitaan din ng iligal na droga sa kanyang puting SUV at abang kinakausap ng mga awtoridad, dinuraan nito ang isa sa mga pulis.
Nahaharap di sa kasong Dangerous Drugs Act, Direct Assault to the Person of Authority at Unjust Vexation ang bastos na Chinese.

Bukod sa kaso laban kay Zhou, nakikipag-uganayan na rin ang awtoridad sa Chinese Embassy at Bureau of Immigration para malaman kung iba pang kinakaharap ng kaso ang suspek na kalaunan ay nag-sorry sa dinuraang pulis na si PSSG Allan Escramoso ng Manila Police District subalit sinabi ng huli na sagutin na lang sa korte ang kasong sinampa sa kanya. (Dindo Matining/ Juliet de Loza-Cudia)