Abante Tonite Interactive

Bastos na Chinese ‘wag palagpasin

336

Patong-patong na kaso ang haharapin ni Zhao Zhi Yo na nagkipa­habulan sa mga awtoridad nang sitahin sa number coding noong Pebrero 6.

Isang hindi makakalimutang eksena ang ginawa ng bastos na Chinese kay PSSG ­Allan Escramosa nang duruan niya ito matapos masakote.

Bukod kasi sa k­asong traffic violation ay ­nahulihan din ang ­Chinese ng iligal na droga.

Kaya nang posasan ay nanggalaiti ang ­nabuking na dayuhan kaya umabot sa pandudura niya sa arresting officer.

Hindi naman dahil sa Chinese ang sangkot sa kabastusan kaya marami ang galit kundi isang pambabastos ang kanyang ginawa.

Kaya tama lamang na harapin n’ya ang ­patong-patong na ­kasong isasampa
laban sa kanya.

Kung humingi man ito ng paumanhin sa binastos na pulis ay hindi pa rin siya maaaring lumusot sa kinakaharap niyang kaso. Dapat ay pinarurusahan ang mga dayuhang katulad niya na wala nang paggalang ay sangkot pa sa iligal na droga.

Hangga’t pinapauwi pabalik ng pinagmulang bansa ang mga nambabastos na mga dayo ay paulit-ulit ­lamang nila itong gagawin.

Kaya tama lamang pagdusahin muna dapat sila sa nagawa nilang kasalanan bago sila ipatapon sa kanilang bansa.