Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bastos, panlalait sa socmed di na ubra

0 225

Para maiwasan na ang sexual harasment cases sa mismong tanggapan ng Office of the Ombudsman, ipinagbabawal na ng ahensya ang anumang bastos na pananalita sa kanilang mga kawani maging ang pagpo-post ng mga nakakasakit na puna sa personal na social media accounts.

Sa ilalim ng Administrarive Order ni Ombudsman Samuel Martires na “Code of Conduct on Prohibiting Sexual Harassment in the Office of the Ombudsman” inisa-isa ang mga sexual harassment acts kasama na dito ang gender-based sexual harassment at online sexual harassment.

Nais ni Martires na magkaroon ng maayos na relasyon ang bawat isa sa pamamagitan ng pag-iwas sa mga paninira at pambabastos sa loob man o labas ng Ombudsman.

Ang mga biktima ng harassment ay maaring magpa-counselling sa Department of Social Welfare and Development, Department of Health at Philippine Commission on Women at ang gastusin ay papasanin ng suspek.

“The Office of the Ombudsman will operate a zero-tolerance policy for any form of sexual harassment in the workplace, treat all incidents seriously and promptly investigate all cases of sexual harassment, gender-based sexual harassment and gender-based online sexual harassment,” nakasaad sa order.

Kung maging biktima ng harassment kasama na dito ang cyberstalking ay hinihimok ang mga kawano na maghain ng reklamo sa Ombudsman -Committee on Decorum and Investigation (CODI).

Agad na aaksyunan ng ahensya ang reklamo at ang mapapatunayang guilty ay papatawan ng

preventive suspension hanggang sa pagsibak sa trabaho habang sa light offense ay multa at suspensyon ng hanggang 30 araw.

“The Office of the Ombudsman is committed to providing a safe environment for all its officers, employees, including agency employees, and clients free from discrimination on any ground and from any sexual harassment,” paliwag ni Martires. (Tina Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.